“Ouch”
Hindi ko alam na bago pa pala ako maging nurse e marami pa akong sakit na pagdaraanan. Babanggitin ko ulit ang katagang “ouch” para malaman ng tao na nasasaktan ako.
Second year nursing student ako sa isang unibersidad dito sa
Cavite . At dahil sa aking course kung saan mas prone kami sa infection mula sa bacteria at viruses, required kami dumaan sa iba’t ibang vaccination para mapangalagaan ang aming mga sarili. Isa na rito and Hepa B Vaccine( proteksyon laban sa Hepatitis B)
Natatandaan ko pa yun vaccine nung gradeschool pag nakikita ko yung iniwang pilat nito , ngayon ko lang nalaman na BCG vaccine pala iyon o Bacillus Calmette Guerin ( Proteksyon laban sa Tubercullosis at Leprosy ). Naawa ko sa classmate ko kasi halos lumabas pa ang sipon kakaiyak bago at matapos ang bakuna. Sabi kasi ng nagbabakuna parang kagat lang daw ng langgam yun e iba siguro naramdaman niya. Hindi ko na mataandaan kung gaano kasakit yun, basta alam ko hindi ako umiyak.
Ilang beses na rin ako nakatikim ng injection ng anesthesia pagpupunta sa dentista at magpapabunot ng milk teeth. Biro mo sa ilang ngiping natanggal sa akin, ilang injection kaya yun. Di ko na rin mabilang.
Din na rin iba sa akin yung pagkuha ng blood sample pag magpapamedical. Sa edad ko isang beses pa lang ako na-confine sa ospital, nung kolehiyo . Tatlong araw din ako tumigil dun dahil sa typhoid fever at di rin ako nakaligtas sa mga injection at IV.
Nagpapasalamat ako nung nagtatrabaho na ako dahil simpleng sakit na lang nakukuha ko tulad ng sipon, ubo, sore eyes, trangkaso, gasgas, singaw, sakit ng ulo, diarrhea at dysmenorrhea. Hindi ko na kailangan maconfine at magpa-injection.
Pero noong isang taon lang ( May 2005 ),nakagat ako ng aso sa paa at nagdugo. Dahil alam ko na ang rabies virus, agad akong pumunta sa clinic para sa bakuna ng anti-rabies. Sa isang session nakakatikim ako ng apat na injection sa iba’t ibang site ng katawan. Ouch! At umaabot ng dalawang beses sa isang lingo. Ouch! Tapos naging lingguhan at buwanan. Hindi ko maitatanggi ang sakit na naranasan ko dahil sa asong yun. Mabangis. Ouch talaga!
At last month, naranasan ko ulit ang injection dahil sa 1st dose ko ng Hepa B vaccine. Akala ko masakit noong una pero hindi naman pala. Chika lang.
At ngayong lingo hindi maalis sa akin ang takot sa 2nd dose ng Hepa B vaccine, alam nyo bang tinakasan ko yun at imbes na magpabakuna e nag-exam na lang ako sa school paper namin ( Vox Populi ). Naisip kong mas mabuti pang mahirapan sa exam kesa masaktan sa injection. At least alam kong makakalaban ako sa exam kesa sa bakuna.
Akala ko pwede kong takasan ang vaccine, hindi pala. Baka raw kasi mawalan ng bisa yung 1st dose kapag hindi agad nasundan. Kaya naman pagkatapos ng lahat ng exam ko, nagdecide na ako na mgpavaccine. Mas mabuti pala, kasi ang kasama ko e mas takot pa sa akin, kaya naman nagtapang tapangan na ako (kahit nanlalamig at pinagpapawisan na ako). Bago pa kasi ako makaupo e tumambad na sa akin ang ibang students na tapos na sa vaccine, isa lang sagot nila sa akin. Masakit talaga
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkakita pa lang sa needle at syringe. Naisip ko tuloy na bakit
noon matapang ako sa mga injection. Epekto ba ito ng pagtanda o nasobrahan ako sa anti-rabies na pati sarili kong bangis e nawala? Ewan ko nga ba.
Bago pa ako turukan e nakipagchikahan muna ako sa doktora para mawala kahit konti ang nerbiyos. Pero wala akong nagawa at tinuloy na niya ang injection. Ilang seconds lang at natapos na. Sa wakas, meron na akong 2nd dose ng Hepa B vaccine. Batay sa experience na iyon, bigla akong nagtaka kung bakit sinasabi nilang masakit daw yun. Nararamdaman ko lang ang animoy paggapang ng gamot na parang nangalay ang braso ko. Hindi ko naman naramdaman yung sakit na iniisip ko. Mabangis pa pala ako.
Naisip kong merong pa akong naranasang mas masakit kesa sa Hepa B vaccine na iyon tulad ng mga sumusunod:
ü Dysmenorhea
ü Sore eyes
ü Singaw
ü Acute gastroenteritis
ü Pagkapaso sa tambucho ng motorcycle
ü Pamamaga ng legs kaya hindi nakalakad
ü Finals sa org
ü Anti rabies vaccine
ü Anti – tetanus vaccine at skin test
ü Matinding galit , pagod at gutom
ü At wala ng sasakit sa 1st time……harharhar
Paano nga ba masasabing masakit ang isang bagay? Parang hinihiwa, tinutusok, pinupunit, hapdi , etc? Iba’t iba ang ating paghusga at pagsukat sa pakiramdam ng sakit pero anuman ang ibig sabihin nito, dapat maging masaya tayo dahil naramdaman natin ito, palatandaan na buhay tayo. Hindi lang sakit ang dulot ng sakit, isa itong paraan ng pagharap sa katotohanan na ang buhay ay pakikipaglaban. Kailangan lang nating maging matatag at matapang.
Kaya sa mga susunod pang vaccine, siguro hindi na ako matatakot at haharapin ko na ito ng buong tapang. Ngunit hindi ko maipapangako na hindi na ako masasaktan, habang nabubuhay mararamdamn natin ang sakit, maisasambit din ang katagang “ouch”. Basta ang mahalaga ay matuto at maging matured samga bagay.
At sa panahong maging nurse na ako, marahil mabibingi ang aking mga tainga sa salitang “ouch”.
Hindi na ako magtataka o maninibago dahil alam kong normal lang ito.
OUCH !
October 14th, 2006 at 3:27 pm
mskit b tlg ang first time?????????????????????? hehehehehehe…………
tnong lng………..
October 15th, 2006 at 7:01 pm
alam mo Joyce, tama ka, masakit pagfirst time eh, wahahaha!! anu bang iniisip mo? bakuna tayo ha? mala nobela ang blog mo ah.. pero naentertain naman ako..patay ka sa kin sa kantyaw pagnagkita tayo sa iskul, wahahaha!!=)
October 15th, 2006 at 11:49 pm
masakit daw talaga ang first time….pero mas masakit ang hindi nakakafirst-time!
February 2nd, 2007 at 7:16 am
ouch!