Sa Gilid ng Bintana
Dahil di kami makatulog ng room mate ko(itago natin sa pangalang Duday), kung anu ano na lang ang naging topic namin nung isang gabi.
Bigla ko din naisip kung anu ba talaga ang hitsura ng aswang. Narito ang mga katangian ng aswang na naisip namin at di namin alam kung totoo nga ba. Note: Paki-confirm na lang kung may alam kayo sa mga ss:
o Di tao di hayop pero lumilipad, ibig bang sabihin may pakpak? Kung totoong may pakpak, anu kaya ang dimensional structure ng pakpak nya? Gawa ba ito sa tela (parang kay Cap. Barbel), o part din ng Integumentary system ng tao? Kung wala naman syang pakpak, paano sya lilipad? Lumilipad nga ba sya?
Counter argument: Kung hindi sya lumilipad, paano sya nakakapunta sa matataas na lugar tulad ng bubong ng bahay?
o Nagiging dahilan ng miscarriage ng mga pregnant women dahil mahilig daw sa mga ipinagbubuntis pa lang. Tama bang isipin na humahaba ang mala- blade na dila at tumatagos sa bubong para sipsipin ang fetus?
o Kayang magbago ng anyo, minsan tao (usually matandang may mahaba at puting buhok)minsan hayop (pusa naglalandi sa bubong). At sabi ng kilala ko, malalaman daw ang anyo nito kapag tiningnan ng pabaligtad o patiwarik.
o Sa mga Filipino movies, palaging mukhang gusgusin ang mga aswang; parang walang tamang hygiene. Bakit sa foreign films sosyal ang mga aswang, parang mga elitista (naka-tuxedo, with wine at take note: papa ball!)
o Hindi rin daw tumitingin sa mata kapag nakikipag-usap sa mga tao ang mga ito. Palihis at matalim kung tumingin.
o Talaga bang namamana ang pagiging aswang? May kinalaman ba ang genetics dito? Sabi nila, sinasalin lang ito sa mga susunod na lahi sa pamamagitan ng ritual. Kung anu man ito, di ko rin alam.
o Mas mabuti raw na maging kaibigan ang aswang kesa magnanakaw. Sa magnanakaw hindi ka sure na ligtas ka sa pagnanakaw; sa aswang, sure na may immunity ka sa atake nito.
Ilan lang yan sa mga puzzle sa isipan namin simula nung gradeschool at hanggang ngayon wala pa ding linaw. Lagi na lang pinagmumulan ng misteryo at takot pag ganun na ang topic. Minsan naniniwala kasi sabi ng mga matatanda, at sa modernong panahon nagbabago na ang paniniwala lalo pa’t may mga taong empiricist at kasabihan ng marami ang “To see is to believe”.
Natapos din ang topic tungkol sa aswang ng wala kaming matinong conclusion. Mas maganda pa ring maiwan ang ganitong misteryo.
Natulog na lang akong hindi lumilingon sa may bintana.